Why a poem in Pilipino on a blog for students of English? "Wait a while," as we Filipinos would say; you'll see the point soon enough.
Calachuchi
Ni Mila D. Aguilar
Bakit ang kalaguyo,
Tinatawag na calachuchi?
Sa kainitan ng taon,
Nawawalan ng dahon
Labas kaluluwa
Laking tuwa!
Habang tumatanda
Paikot lalo ang sanga
Sa mga kasukasuang
Maga na kung tingnan.
Pero masdan ang mga daliri
ng tinatawag na kiri
Gaano mang paikot ng katawan
Tuon pa ri'y kalangitan
Handog sa dulo ng mga ito
Mga bulaklak na purong-puro.
At mantakin mo,
Anuman ang itanim sa ilalim
Nitong puno,
Maging ito ma'y damo,
Tumutubo.
Hindi siya matakaw sa araw
Hindi siya mapanipsip
Ng lupang kinatatayuan.
Kung bakit ba tinawag na calachuchi
E iba naman ang kasalanan.
Marso 16, 2005
2 comments:
hi ma'am
ako po ay isa sa inyong mga estudyante sa eng 10 (syempre)
ang akin lang pong masasabi ay wala
kasi wla akong masabi
I'M AMAZED!
BRAVO!
E wala ka palang masasabi, kaya wala rin akong maisagot. :)
Pangalan nga!
Post a Comment